NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO!!!!
April 7th, 2007 by sheilarellesSobrang saya pa lang makasama sa pagprusisyon sa Quiapo….hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko nung makita kong inilabas na ang poong Nazareno sa simbahan ng Quiapo…hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko nang mga oras na iyon…pagbaba ko pa lang sa jeep para pumunta sa simbahan ay gusto nang tumulo ng luha ko…hindi ko alam kung bakit ganun yung feeling…basta ang alam ko masaya ako nang mga oras na yun at talagang matagal ko nang gustong gawin na makasama sa prusisyon na yun!!!Halos pitong oras kaming naglakad, nakipagsiksikan sa mga tao at pinipilit na huwag maiwaksi sa aming mga mata ang poon….habang kami ay nagpruprusisyon gustong gusto kong lapitan ang poon at gusto gusto kong makahawak sa lubid ngunit napakahirap pa lang gawin yun..hindi ko na lang itinuloy ang gusto kong gawin dahil alam kong mas malakas ang mga taong nakapalibot sa akin dahil alam kong sanay na sila sa kanilang ginagawa…First time ko na makasama sa pagprusisyon sa Quiapo at masasabi kong WORTH IT!!!Nawa’y maipagpatuloy ko itong aking panata!!!talagang gagawin ko ito!!!Ngayong Bakasyon ay masasabi kong mas lalo akong lumalapit at nakikipag-communicate kay NAzareno….ngayon ko lang naiintindihan na masarap pala talagang mapalapit sa ating Diyos….SAna kayo rin ay makasubok sa pagsama sa pagprusisyon sa Quiapo at sana ay mapalapit din kayo sa ating Diyos…..lahat tayo ay hindi alam kung sino ang iintindi sa ating sarili, maging ang ating sarili ay hindi natin alam kung paano natin ito patatakbuhin at kikilalanin…TAnging ang ating Diyos lang ang nakakaintindi sa lahat kaya sana’y mapalapit tayong lahat sa kanya….Nawa’y habang bakasyon ay mapag-isipan natin ang mga bagay na dapat nating gawin gaya nang ginagawa ko ngayon…
NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO….MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!!!!